Pursigido talaga ang Liderato ng Kamara na maipasa bago mag-Pasko ang mga panukalang pagbuhay sa death penalty at pagpapababa sa edad ng criminal responsibility.
Ito’y sa kabila ng pagkontra ng ilang mga grupo, na lumabas sa mga nakalipas na pagdinig ng concerned committees ng kapulungan.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, batay sa pakikipag-pulong nila kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaalala nito ang priority bills na dapat unahin ng Kongreso.
Sinabi ni Alvarez na balak ng Mababang Kapulungan na aprubahan ang restortation ng death penalty at pagbabago sa edad ng criminal liability ng mga kabataan bago ang Christmas break ng 17th Congress.
0 comments:
Post a Comment